Thursday, September 22, 2005

ewan

Hindi ko alam kung ano meron pero feeling ko masaya ako. hindi ako sure kung masaya nga ba ako o nagpapanggap lang pero feeling ko masaya talaga ako. masarap ang tulog, masarap ang gising kahit puyat masarap pa din. napapansin ko na din yung mga nakapaligid sakin yung tipong kahit kasabay lang sa jeep, bus, lrt, mrt, mga tao naglalakad sa mall lahat sila parang napapansin ko na ngayon hindi gaya ng dati na wala akong paki sa kanila.

ito sample rush hour lrt sobrang sikip pawisan, nasa vito cruz station pagbukas ng pinto siksikan biglang may sumigaw "MAY LALABAS NA BAKLA" tawanan lahat ng tao sino ba namang hindi matatawa nyan mismong yung bakla pa ang sumigaw.

ito isa pa tayuman station siksikan, malakas ang ulan,walang space para makapasok. biglang may humirit na lalaki "PASOK KAYSA PA LIMANG TAO" ngitian ang lahat isipin mong makapagbiro pa ng ganun na mukha na kaming sardinas sa sikip.

yung mga bagay na ganito ndi ko napansin dati pero ngayon tandang tanda ko pa. siguro masaya nga ako. pero malamang hindi may sira lang ata ulo ko hahahhahaha.