Wednesday, July 27, 2005

hmmm

makita lang kita sa picture ok na pano pa tong makasama at makausap.

pagtapos ng trabaho natin. nagyaya ka na kumain, wala naman akong gagawin kaya pumayag ako pero kahit naman may plano na ako cancelled malamang lakad ko kahit meeting pa with GMA to hehehehe

parang ayaw kong matapos ang gabi ko kasama kang kumakain, nakakausap na parang wala ng bukas ang sarap ng pakiramdam. Pagkatapos kumain nagyaya ka pang maglakad-lakad lang sa kung saan ndi ko alam kung malungkot ka lang o gusto mo talga akong kasama.

habang naglalakad tayo sa magandang hardin ndi ko na malayan ng magpaparamdam ka pala sinabi mong nagustuhan mo ako nung kumain tayo sa jonas.... ndi ko alam kung ano nagustuhan mo sakin nun pero tatanggapin ko yan kahit ano pa yan nagustuhan mo eh...

pauwing naglalakad na kasalubong natin common friend natin ndi natin alam kung anong gagawin dahil baka i-tsismis tayo kung kanino nakita pa naman niya nakaakbay ako sayo at hawak ko yung kamay mong ayaw kong bitawan. inisip kong bakit ko pa bibitawan kamay mo...ilang taon ko ding inaasam asam mahawak bakit ko ba bibitawan....

pero bigla na lang ....."Ric gising na baka malate ka"

biglang nawala parang bula ang mga nangyayari...
wala man lang ako "hatid sa bahay nyo ...sabay may kiss, sabay goodnight, sabay bye-bye..." ika nga ni caterpillar sa isang comment nya sakin


sana hindi na lang ako nagising para maski sa panaginip kasama ko siya kasya pumasok ako sa opisina at magkapagod magtrabaho...

pero atleast kung gumising ako i can make this dream a reality wala lang gusto ko lang isipin yan para hindi ako malungkot dito sa trabaho kaysa isiping tulog na lang sana ako and continue dreaming of you

0 Comments:

Post a Comment

<< Home